Iba na talaga ang UP ngayon.
Pictures: (Left) Diliman Commune, 1971; (Right) Poster ng nalalapit na event ng JMA
40 years ago, pinamunuan ng mga estudyante ng UP ang isang uprising laban sa pagdeklara ni Marcos ng batas militar. Isa ito sa mga pinakamalaki at mahalagang event noong dekada 70, kung saan nakita ang kapangyarihan ng militanteng kabataan at progresibong pagkilos. Marami talaga ang nakiisa. Di mo maiimagine.
40 years later, eto tayo. UP JMA (We Lead). Sila na nga ang mga bagong leader sa UP. Okay, so nililinaw ko na hindi naman ito isang panawagan ng pagboycott sa event ng JMA. (Sino ba naman ako para sundin ng tao? At malay ko ba, baka mapadaan din ako sa event na ito.) Naniniwala ako sa galing ng org at sa members nito. Lahat ng projects at events nila, dinudumog, malaki ang kita at maganda talaga.
Kamo, mas mabilis na silang makahatak ngayon ng members kumpara sa mga MO (Mass Orgs). Kung meron lang akong maipapakitang proven na datos ng comparison ng pagtaas ng myembro ng JMA sa pagbaba ng members ng Stand-UP o ng Anakbayan, mas maganda sana. Kaso lahat naman yun ay assumptions ko lang. Mere observations.
Tingnan mo noong huling 3-day Budget Cut Rally sa UP noong September, kung bibilangin ang nakiisa at umattend ng events noon, baka mas madami pang umattend na Isko sa AdHoc at sa kung ano pang parties na usong-uso ngayon sa kabataan.
Totoo naman na nagbago na ang timpla ng mga Iskolar ng Bayan. Mas marami ng burgis ngayon. At di na gaanong patok sa kabataan ang magrally at gumawa ng ingay sa kalsada. Mas uso na ang blogging o ang pagti-tweet o ang pag-like sa FB. Party, party na lang.
Bakit nga kaya? Dahil ba wala ng Marcos? Wala nang naibabalitang karahasan sa TV? Dahil ba yun sa pagdami ng burgis na kaya namang magbayad ng nagmamahal na tuition fee sa UP?
Marami naman daw kasing paraan para makatulong sa bayan.
Oh well, I pity you Iskolar ng Bayan. Eventually you’ll leave the country, make money for yourself, (magtravel nang magtravel kasi yun ang pangarap mo), enjoy life, maybe send some money home, and there.. forget you were once an Iskolar ng BAYAN.
PS: Attend tayo sa Release the High. Mukhang masaya dun! :))
Just adding my two cents worth: Looking at the (for want of a better term) sociopolitical structure of UP, we get the...
Okay. “Marami naman daw kasing paraan para makatulong sa bayan.“
Tingnan mo ate Carbs
Partying for a cause is NEVER enough.
Hindi natin puwedeng ipagdamot ang aktibismo, o ang pagiging aktibista. I cannot even begin to understand why this...